by: Anatole Bourbaki (kring-kring)
Masarap sumakay sa
Jeepney (ewan ko lang ‘sayo, pero ako naeenjoy ko), pero ‘yung pagsakay lang
ha? Kasi may mga nakakainis at nakakatawang mga Konduktor. Eto na sila,
kilalanin na natin. LeGO!
1.
The Patay-Malisya type
“Manong, bayad po.” Ang parating naririnig ng mga drayber ng pampublikong
sasakyan.
Si manong naman, kitang-kita ka ng naka-uniporme’t lahat-lahat, itatanong
pa talaga ‘nya kung estudyante.”kanino ‘tong bente? Estudyante?” Pero swerte ka pa nga kung magtatanong pa
talaga. Madalas pa sa minsan, hindi talaga mag bibigay ng diskwento kahit hindi
weekend at hindi holiday.
Pero ang pinaka nakakainis sa lahat ay ‘yung nauna kang nagbayad, tapos
ikaw pa ‘yung huling susuklian. ‘yung tipong nakababa na ‘yung huling sumakay,
wala pa rin ang sukli mo. Kaasar, ne?
Eksena:
Konduktor: o, paki-abot na lang o!
(kapag nalasap na yung pera) saan ‘tong singkwenta?
Ikaw: sa Banaba lang po. (sinigaw mo with so much effort kasi mas malakas
pa yung sound system nya kesa sa sound system ng ASAP ‘pag lingo)
Tapos titignan ka lang nya ng tigtignan sa salamain sa itaas ng ulo nya.
Pag may nagbabayad, titignan ka nya ulit tapos susuklian yung huling nagbayad.
Ang siste nito, pag kukunin mo na yung sukli mo kasi bababa ka na, ‘sya pa
talaga ‘yung may lakas ng loob na magalit. Wow! Lakas mo sa guts ha?!
2.
The Actor type
Tapos minsan pa, meron kang malakas na pakiramdam na ini-ismol ka ng
konduktor.
BONGAYCIOUS si kuya! Bet na bet ang adlib. Kunyari impromptu, pero super
scripted.
Konduktor: May limang piso ka? Kulang eh. (kung pwede lang talaga..hay
naku! Kung pwede lang talagang sabihin na, “alam mo kuya, alam ko na akala mo
makakalimutan ko yung sukli ko! Atsaka, alam ko din na hindi kulang ang panukli
mo, dahil ang gusto mo lang ay lamangan ako.” Hindi kami mang-mang kuya no!
tsk!
Meron din nga pala ‘yong gaya ‘nung isa kanina. ‘yung kulang KUNO yung
panukli, tapos susuklian ka lang pag pababa ka na, para wala kang palag. Bravo
ka talaga sa mga moves mo kuya.
And THE BEST ACTOR AWARD goes to….(sound effects: TUGDUG! TUGDUG! )
Goes to APPRENTICE number TWO! (applause! applause!) BIDA-BIDA ang peg.
3.
The I Only Hear “BAYAD” type
Ikaw: manong, bayad po.
(syempre pag may magbabayd, ang bilis ng tenga; pero pag may bababa,
parang walang narinig—ilalagpas ka pa! kung saan bawal, dun ka i-bababa tapos
sasabihan ka pa ng, “pakibilis-bilisan lang ate, mahuhuli tayo ‘nyan!)
Eto talaga, SOVER (SUPER sa pagka OVER) sa pagde-deadma ng mga pasaherong
bababa. Eto ‘yung mga tipo ng konduktor na ang lakas ng loob sumingil ng bayad;
‘yung lakas makapag sabi ng “yung mga di pa nagbabayad dyan ha? Magbayad na!”
sabay tingin sa mga pasahero.
Tapos pag bababa ka na, sasabihin nya, “bawal ditto magbaba. ‘Dun na sa
kabilang barangay.” Kaasar lang si kuya, e kung hininto na nya ‘nung pumara ka,
edi sana di ka hihinto sa bawal na babaan. Tsk! HONGGOLENG mo talaga kuya ne?
4.
The Crocodile type (yung mga buwaya)
[dito yung mga “sa kaliwa. Maluwag pa sa kaliwa. Usog-usog sa kaliwa,
Maluwag pa ‘yan, sampuan tayo dito”] SAMPUAN MO MUKHA MO! Di na nga maka-upo ng
maayos yung pang walo, Sampuan?! Pantay,pantay kaming nagbabayd, pero di ka
maka-upo ng ayos. ‘yun tayo eh, ang lakas mo! Tsk!
Kung medyo kapareho lang to ng the I ONLY HEAR “BAYAD” type. Pinagkaiba
lang, mas malala ‘to. As in parang politico (I’m pertaining sa mga politician
na kilala nating super crocodile—alam mo na).
Itong uri ng konduktor na to, basta may bababa, hihinto agad to, para
isiksik si pasaherong kapit sa patalim makauwi lang. minsan pa sa madalas,
kahit malayo ka pa at di mo pa nasisimulan bigkasin ang salitang “para po” ay
pabababain ka na.
Tapos ang mga uri na’to, may sariling standard ng presyo. ‘yung pagpunta
mo kanina, PhP35.00 lang, pag sumakay ka sa jeep na ‘to PhP85.00 na! ano ‘yun,
mas malayo lang ang pabalik?! Ayos din!
Sa bus, pati ‘yung gitnang parte ng sasakyan, pinagkikitaan. Madalas mong
maririnig sa mga konduktor ng bus ang mga katagang ‘to kapag rush hour,
“MALUWAG PA! MALUWAG PA SA GITNA!” (pero normal ‘yan) ang di normal ay sa
Jeepney, akalain mo nga naman, pag buwaya, buwaya talaga.
Di ko lubos maisip kung bakit kinakagat ng mga pasahero ang ideyang
sumakay sa jeep at umupo sa gitna. Ang mga bwakaw, may dalang maliliit na silya
na nakalagay sa bubong at ilalabas lamang kapag may sasakay na, pero wala pang
bumababa. GENIUS! Mautak ka ‘dre! SALUDO si HENRY SY sa business strategy mo!
Grabe lang talaga ‘yung mga ganitong uri. Sana di nyo maranasan.
Masasayang lang ang mga oras mo na sana ay masaya ka.
5.
The Lakas-ng Dating type (shades ang puhunan at lakas ng
loob ang utak)
Kung merong kukulubutin ka sa sover nakakainis, meron din namang matatawa
ka sa pagkakainis.
(feeling gwapo ,eh malayo pa sa kalyo
ng pinaka pangit sa klase nyo) yung makapag shades, kala mo pagkataas taas ng
araw, na kala mo rin ay pupunta sa isang bakasyon engrande pero reggae yung
style ng shades nya. Haha!hahaha! nakakatawang imagining.
Ang nakakainislang sa mga ganitong
type, feeling nila ang GWAPO-GWAPO-GWAPO-GWAPO nila. Yung pag babae ‘yung
nagbabayad, lilingunin talaga nila, kahit sobrang twisted na ‘yung katawan nya
sabay tanggal ng shades. Artista lang
ang peg ni kuya! Pero pag lalaki, umuinit agad ‘yung ulo nya kapag di nya
masyadong narinig kung saan bababa.
Feeler talaga ‘to si kuya. Pag baba ang babae, may hirit pa ‘yan “INGAT KA
ATE, ha?” haha, pag sa kanya nag mula ang mga ganitong kataga, palagay ko mas
maaksidente ata ko. Hahaha.
Nakakainis lang din pala sa uri ng konduktor na ‘to ay pagkalakas-lakas ng sound system nya.
Tapos yung musika nya yung pag salbakuta na remix. ‘yung pag dumaan yung jeep
nila malinaw na malinaw ang lyrics kahit first time mo lang to narinig kahit
nasa penthouse ka ng 200 floors na building.
Pahuling salita: ang mga nakasulat dito ay hindi nagrereflect sa
lahat ng mga konduktor. Lahat ng nakasulat dito ay pawang karanasan at
obserbasyon po lamang.
Ang nag post po nito ay open sa mga opinion, mga puna at karagdagang
impormasyon (and it’ll be highly appreciated ϋ).