welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Wednesday, July 03, 2013

PAG MAY PASOK, PAG WALANG PASOK: NAKAKATAMAD!!!


Malapit na ang pasukan, excited ka nanaman. Bago ang lahat ng gamit—mula sa uniform hanggang sa sapatos. Ang sarap ng amoy ng mga bagong gamit pam-paaralan-- Nakaka excite pumasok.
Sa unang araw ng pasukan, sobrang aga mo pa gigigsing, sobrang excited ka kasi eh!
Excited kang makakilala ng mga bagong friends, excited kang makakita ng mga magigigng inspirasyon mo,excited kang ipaglantaran ang mga bago mong gamit…basta, excited ka sa lahat ng bagay.
Lahat ng bagay na ‘yan sa una lang, meaning pansamantala lamang.
Pag lumipas ang ilang linggo, tatamarin ka rin. Lahat ng tao, dinaranas ang sakit na ito na kung tawagin ng mga profesyonal ay KATAMS. Walang gamot ang nirereseta para sa karamdamang ito, dahil ang tanging makaklunas lamang sa sakit na ito ay ang may karamdaman mismo.
Minsan ang mga tao a paligid ay nagiging lunas ng may sakit na ganito, halimbawa:
Napakatamad ni Nathan na pumasok sa school, ngunit nang mag simula ang klase nakilala nya si Lissa na nagging inspirasyon nya at nagging dahilan ng kanyang pag pasok sa eskwelahan.
May mga dahilan kung bakit tinatamad ang mga tao particular na ang mga estudyante sa pag pasok. Ang ilan sa mga ito ay:
·         Kailangan mong gumising ng maaga
·         Ang boring ng klase nyo
·         Terror ang teacher mo
·         Kulang ang baon mo
·         Walang gwapo/maganda sa klase nyo
·         Nakakairita ang katabi mo
·         Ang dami daming homeworks at projects pero ni-isa wala ka pang nagagawa
·         Nakatayo ka sa bus
·         Kulang ka sa tulog
·         Absent parati ang teacher mo at parating may seatwork at homework na iniiwan
·         Tag-ulan
·         Pag dating mo sa school saka lang isususpend ang klase
At napaka rami pang iba..
Pero hindi lang ang pagpasok ang nakakatamad, pati rin ang pag pirmi sa bahay.

Hay naku, excited ka rin pag patapos na ang pasukan pero ilang lingo lang bagot ka nanaman.
Nakakatamd din ang pag pirmi sa bahay, at eto rin ang ilang mga dahilan:
·         Wala kang baon
·         Di ka maka-gala
·         Utusan ka sa bahay
·         Kain-tulog-gising-net lang ang siklo ng buhay mo
·         Tag-init
·         Tumataba ka
·         Boring/corny ang mga palabas sa telebisyon
·         Pinapanood ng lola mo si willie revillame sa T.V.
·         Taga hugas ka ng pinggan
·         Nakahilata ka magdamag
·         Di mo nakikita ang crush mo sa school
·         Talong beses mong napapnood yung paulit ulit na balita sa isang araw
At muli marami pa ring mga dahilan na hindi ko nakalap..

Pero sa kabilang banda, isipin natin ang kahalagahan ng pag-pasok sa eskwelahan. Hindi dapat maging hadlang ang mga dahilan na nalathala sa itaas para di ka pumasok sa eskwelahan. Ang mga magulang mo ay pumapasok din, di ngalang sa paaralan. Isipin mo ang delubyong mangyayari kapag tinamad din silang pumasok sa trabaho nila, di ka na makakapag-aral mangangayayat ka pa dahil sa kawalan ng pagkain sapagkat wala na kayong pera. Kaya aral-aral din ng mabuti dahil maraming time.
At dahil naniniwala ang mga magulang mo at ang mga paaralan na nag aaral ka ng mabuti, minabuti nila na bigyan ka ng pahinga at tinawag ito ng sangkatauhan na BAKASYON. Ang sarap pakinggan no?

Sinasabi ko sayo, maeenjoy mo ang parehong bagay na eto kapag pinahalagahan mo ang pag pasok at ang bakasyon.
Kapag nag-aral ka ng mabuti maeenjoy mo ang pahinga (dahil malaki ang chance na maging pabuya ng mga magulang mo ang bakasyon na ito dahi sa mga magagandang bagay na natamasa mo sa paaralan) at kapag naenjoy mo na ang pahinga mo, gaganahan kang pumasok (dahil gusto mo ulit ng ganoong kasayang bakasyon).
LAHAT NGA BAGAY AY MAY GANDA, MINSAN ATENSYON LANG ANG KAILANGAN PARA MAPANSIN ITO.

NAPAKAGALING LANG NG LUMIKHA NG LAHAT, DAHIL BINIGYAN NYA NG BALANSE ANG LAHAT NG BAGAY.

 

No comments:

Post a Comment