welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Sunday, July 14, 2013

Beware of the Perfectly Imperfect Apprentices



by: Anatole Bourbaki (kring-kring)

Masarap sumakay sa Jeepney (ewan ko lang ‘sayo, pero ako naeenjoy ko), pero ‘yung pagsakay lang ha? Kasi may mga nakakainis at nakakatawang mga Konduktor. Eto na sila, kilalanin na natin. LeGO!

1. The Patay-Malisya type

“Manong, bayad po.” Ang parating naririnig ng mga drayber ng pampublikong sasakyan.
Si manong naman, kitang-kita ka ng naka-uniporme’t lahat-lahat, itatanong pa talaga ‘nya kung estudyante.”kanino ‘tong bente? Estudyante?”  Pero swerte ka pa nga kung magtatanong pa talaga. Madalas pa sa minsan, hindi talaga mag bibigay ng diskwento kahit hindi weekend at hindi holiday.
Pero ang pinaka nakakainis sa lahat ay ‘yung nauna kang nagbayad, tapos ikaw pa ‘yung huling susuklian. ‘yung tipong nakababa na ‘yung huling sumakay, wala pa rin ang sukli mo. Kaasar, ne?
Eksena:
Konduktor:   o, paki-abot na lang o! (kapag nalasap na yung pera) saan ‘tong singkwenta?
Ikaw: sa Banaba lang po. (sinigaw mo with so much effort kasi mas malakas pa yung sound system nya kesa sa sound system ng ASAP ‘pag lingo)
Tapos titignan ka lang nya ng tigtignan sa salamain sa itaas ng ulo nya. Pag may nagbabayad, titignan ka nya ulit tapos susuklian yung huling nagbayad.
Ang siste nito, pag kukunin mo na yung sukli mo kasi bababa ka na, ‘sya pa talaga ‘yung may lakas ng loob na magalit. Wow! Lakas mo sa guts ha?!


2. The Actor type

Tapos minsan pa, meron kang malakas na pakiramdam na ini-ismol ka ng konduktor.
BONGAYCIOUS si kuya! Bet na bet ang adlib. Kunyari impromptu, pero super scripted.

Konduktor: May limang piso ka? Kulang eh. (kung pwede lang talaga..hay naku! Kung pwede lang talagang sabihin na, “alam mo kuya, alam ko na akala mo makakalimutan ko yung sukli ko! Atsaka, alam ko din na hindi kulang ang panukli mo, dahil ang gusto mo lang ay lamangan ako.” Hindi kami mang-mang kuya no! tsk!
Meron din nga pala ‘yong gaya ‘nung isa kanina. ‘yung kulang KUNO yung panukli, tapos susuklian ka lang pag pababa ka na, para wala kang palag. Bravo ka talaga sa mga moves mo kuya.

And THE BEST ACTOR AWARD goes to….(sound effects: TUGDUG! TUGDUG! )
Goes to APPRENTICE number TWO! (applause! applause!) BIDA-BIDA ang peg.


3. The I Only Hear “BAYAD” type
Ikaw: manong, bayad po.
(syempre pag may magbabayd, ang bilis ng tenga; pero pag may bababa, parang walang narinig—ilalagpas ka pa! kung saan bawal, dun ka i-bababa tapos sasabihan ka pa ng, “pakibilis-bilisan lang ate, mahuhuli tayo ‘nyan!)
Eto talaga, SOVER (SUPER sa pagka OVER) sa pagde-deadma ng mga pasaherong bababa. Eto ‘yung mga tipo ng konduktor na ang lakas ng loob sumingil ng bayad; ‘yung lakas makapag sabi ng “yung mga di pa nagbabayad dyan ha? Magbayad na!” sabay tingin sa mga pasahero.
Tapos pag bababa ka na, sasabihin nya, “bawal ditto magbaba. ‘Dun na sa kabilang barangay.” Kaasar lang si kuya, e kung hininto na nya ‘nung pumara ka, edi sana di ka hihinto sa bawal na babaan. Tsk! HONGGOLENG mo talaga kuya ne?


4. The Crocodile type (yung mga buwaya)
[dito yung mga “sa kaliwa. Maluwag pa sa kaliwa. Usog-usog sa kaliwa, Maluwag pa ‘yan, sampuan tayo dito”] SAMPUAN MO MUKHA MO! Di na nga maka-upo ng maayos yung pang walo, Sampuan?! Pantay,pantay kaming nagbabayd, pero di ka maka-upo ng ayos. ‘yun tayo eh, ang lakas mo! Tsk!
Kung medyo kapareho lang to ng the I ONLY HEAR “BAYAD” type. Pinagkaiba lang, mas malala ‘to. As in parang politico (I’m pertaining sa mga politician na kilala nating super crocodile—alam mo na).
Itong uri ng konduktor na to, basta may bababa, hihinto agad to, para isiksik si pasaherong kapit sa patalim makauwi lang. minsan pa sa madalas, kahit malayo ka pa at di mo pa nasisimulan bigkasin ang salitang “para po” ay pabababain ka na.
Tapos ang mga uri na’to, may sariling standard ng presyo. ‘yung pagpunta mo kanina, PhP35.00 lang, pag sumakay ka sa jeep na ‘to PhP85.00 na! ano ‘yun, mas malayo lang ang pabalik?! Ayos din!
Sa bus, pati ‘yung gitnang parte ng sasakyan, pinagkikitaan. Madalas mong maririnig sa mga konduktor ng bus ang mga katagang ‘to kapag rush hour, “MALUWAG PA! MALUWAG PA SA GITNA!” (pero normal ‘yan) ang di normal ay sa Jeepney, akalain mo nga naman, pag buwaya, buwaya talaga.
Di ko lubos maisip kung bakit kinakagat ng mga pasahero ang ideyang sumakay sa jeep at umupo sa gitna. Ang mga bwakaw, may dalang maliliit na silya na nakalagay sa bubong at ilalabas lamang kapag may sasakay na, pero wala pang bumababa. GENIUS! Mautak ka ‘dre! SALUDO si HENRY SY sa business strategy mo!
Grabe lang talaga ‘yung mga ganitong uri. Sana di nyo maranasan. Masasayang lang ang mga oras mo na sana ay masaya ka.

5. The Lakas-ng Dating type (shades ang puhunan at lakas ng loob ang utak)
Kung merong kukulubutin ka sa sover nakakainis, meron din namang matatawa ka sa pagkakainis.
 (feeling gwapo ,eh malayo pa sa kalyo ng pinaka pangit sa klase nyo) yung makapag shades, kala mo pagkataas taas ng araw, na kala mo rin ay pupunta sa isang bakasyon engrande pero reggae yung style ng shades nya. Haha!hahaha! nakakatawang imagining.
Ang nakakainislang  sa mga ganitong type, feeling nila ang GWAPO-GWAPO-GWAPO-GWAPO nila. Yung pag babae ‘yung nagbabayad, lilingunin talaga nila, kahit sobrang twisted na ‘yung katawan nya sabay tanggal ng shades.  Artista lang ang peg ni kuya! Pero pag lalaki, umuinit agad ‘yung ulo nya kapag di nya masyadong narinig kung saan bababa.
Feeler talaga ‘to si kuya. Pag baba ang babae, may hirit pa ‘yan “INGAT KA ATE, ha?” haha, pag sa kanya nag mula ang mga ganitong kataga, palagay ko mas maaksidente ata ko. Hahaha.
Nakakainis lang din pala sa uri ng konduktor na ‘to  ay pagkalakas-lakas ng sound system nya. Tapos yung musika nya yung pag salbakuta na remix. ‘yung pag dumaan yung jeep nila malinaw na malinaw ang lyrics kahit first time mo lang to narinig kahit nasa penthouse ka ng 200 floors na building.


Pahuling salita: ang mga nakasulat dito ay hindi nagrereflect sa lahat ng mga konduktor. Lahat ng nakasulat dito ay pawang karanasan at obserbasyon po lamang.
Ang nag post po nito ay open sa mga opinion, mga puna at karagdagang impormasyon (and it’ll be highly appreciated ϋ).



1 comment:

  1. great blog dear! :)
    There's a giveaway on my blog. Hoping you could join :)
    ❤ http://itsnicoleperez.blogspot.com/

    ReplyDelete