welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Wednesday, July 03, 2013

Sunod sa Trend pero Walang pang Matrikula


Lahat tayo may LUHO sa katawan, pero nga may kasabihan tayo na masama ang SOBRA.

Hindi ko alam. Ako lang ba? Sobra akong naiinis sa mga taong sobra ang luho pero alam naman nila na hindi nila kayang I sustain ng mga magulang nila. At dahil alam nila na hindi sila kayang tiisin ng mga magulang nila, inaabuso nila ang mga ito.

Kalian lang, may nakita akong babae noong kasasagsagan ng enrollment namin na naka Black Berry na latest model pero ang tuition installment tapos plan C pa.

Di ba? Nakakainis talalaga! hindi naman kasi kailangan na makasunod ka uso, sa katunayan nga, di naman talaga necessity ang cellular phone.

Maaring sabihin nyo na naiinggit lamang ako, pero hindi. Maari din na sabihin nyo na malamang itatanggi ko na naiinggit ako daihil syempre ako ang nagsulat nito at maari nyo din sabihin na very one sided ang expresyon na ito, pero hindi kita masisisi dahil gaya ng ideya ko na ito, maaring ako lamang ang naiirita sa sitwasyong ganito.

Hindi ako mayaman, average lamang ang pamumuhay naming. Meron akong camera,laptop,cellphone,sapat na baon at matinong kwarto. Hindi man lahat ng gadget na meron ako ay pinaka sikat na brand at pinaka latest model, kontento naman ako. Parepareho lang naman ang mga features ng akin at ng pinaka magandang model, diba?

Sabihin na nga nating minsan, oo, naiisip ko ang mga katagang  “ang cool naman nun,sana meron din ako”. Pero dahil alam kong di naman ora mismo ay kayang maibigay sakin yun ng mga magulang ko gaya ng mga super rich kids with super-duper busy parents kaya nagkakasya na lang ako at nagpapasalamat dahil meron pa rin ako ng mga bagay na iyo kahit di sila super in trend or latest model/unit.

Kahit na hindi iPhone5 ang phone ko, nakakatawag at nakakapag send pa rin naman ako ng messages na kailangan matanggap ng mga kaibigan/magulang ko, kahit na hindi DSLR ang camera ko, nakakakuha pa rin naman ito ng mga larawang ititreasure  ko, kahit hindi Apple ang brand ng laptop ko, nakakagawa pa rin naman ako ng mga documents dito, kahit hindi P 500.00 ang baon ko sa isang araw, nakakakain pa rin naman ako, saka di naman ako naglalakad pauwi at pagpasok mula Quezon city hanggang Manila, kahit di ako nag aaral sa Xavier/Brent/UAP or any IS naka private school pa rin naman ako at merong maggagandang facilities at nag tuuro din gaya ng ng mga paaralang nakalathala sa itaas at kahit hindi sobrang laki ng bahay naming at kahit wala kaming helper sa bahay, nakakatulog pa rin naman ako sa malambot na kama at hindi sa papag.

O, diba? Ang dami ko namang mga bagay na dapat ipag pasalamat, alam ko minsan nagiging maluho din ako pero marunong naman akong iconsider ang mga magulang ko.

Hindi gaya ng iba, hindi ko hahangadin ang mga bagong gadgets sa mundo kung mahihinto ako sa pag aaral dahil napunta ang pang matrikula ko sa mga ito, atsaka hindi ko hahayaaang malubog sa utang ang mga magulang ko para parehong maibigay ang mga GUSTO ko at mga KAILANGAN ko.

Sa paglipas ng panahon, meron nanamang mga bagong labas na gadgets at luluma din ang mga gadgets na meron ka. Kung ako sayo, mag-aaral na lang muna ako ng mabuti hanggat kaya pa ng mga magulang ko na ibigaya ang mga pangangailangan ko, para kapag nakatapos na ako at nakahanap ng stable na trabaho susuklian ko ang mga ibinigay nila sa akin dhil yun lang ang kaya gung gawin para sa kanila atsaka sa panahon na iyon na rin ako magsisimulang maghangad ng mga bagay na gusto dahil kaya ko na iyon mabili sa sarili kong pera.

Mas masarap makuha nag mga bagay na gusto mo kapag pinaghirapan mo ito.

Mag-inarte ka kapag kumikita ka na ng sarili mong pera.

No comments:

Post a Comment