welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Tuesday, January 17, 2012

Isang fantasi


Sa kalagitnaan ng aking panaghinip aking weirdong panaghinip,
Ako di umano ay nasa aking dormitory,ngunit ang istraktura nito ay sobrang kakaiba (ibang iba sa totong istraktura nito). Sa gitna ng gabi meron daw di umano akong nakitang mga tao na naglalagi doon sa tore ng aming dormitoryo, siguro mga lima sila ngunit hindi ko na inalam kung sino-sino ang mga taong iyon.
Sa aking pagtulog,kakaibang panaghinip ang aking naranasan—isang fantasi. Ang panaghinip ko ay naulit muli.hindi man magkasunod na araw ngunit alam ko napanaghinipan ko na iyon matagal na panahon na ang nakalilipas. Ngunit hindi lang ito basta naulit, nagkaroon ito ng kakaibang mga detalye at twist.
Ako ay napunta sa isang lugar na tila maze. Ngunt muli, hinid ito isang ordinaryong maze. Hindi ba’t ang ordinaryong maze ay may pantay-pantay na taas na pador ngunit ito ay maaring kumonekta sa isa pang bagong maze na kung minsan ay dulo nap ala at wala ng kasunod pa. ngunit ang maze sa lugar na aking napuntahan ay nagsimula sa isang tunnel na  tila isang matagal na naitagong ganda. Ang disenyo nito ay gawa sa mga sinaunang mga bloke. Hinid ko maipaliwanag ang ganda nito. Alam ko hinid lahat makakaappreciate ng ganda nito, pero para sa kin sobrang maganda iyon. Atsaka nga pala ang tema ng panahon ay parang sa mga panahonng mga Kastila. Hinid pantay pantay ang mga pader, ang ibang daanan ay kailangan mong gapangin, at iyon ang iniba ng lugar na iyon sa isang maze, kumbag, tio ay tila isang obstacle. Maami akong nadaanan, may mga nakakulong, may mga hinid ko maintindihang tao. Pero alam ko na ang misyon ko doon sa lugar na iyon, hindi ba’t naulit na nag panaghinip kong iyon? Kung kaya’t meron ako agad na hinanap. Hinanap ko  yaong isangtao na may kapangyarihan ngunit may kasaaman. Hinanap ko siya dahil alam ko na siya ang makakapagbalik sa akin sa dati kong panahon, sa totong panahon kung saan ako  nabuhay.
Sa aking paglalakad nakita ko ang isang babae na tila mentally challenged. Kinausap ko siya para ako ay ituro sa tamang daan papunta dun sa manong na magbabalik sa akin sa tamang panahon. Ngunit kakilalakilabot na katatakutan ang sinalubong niya sa akin. Pero naawa ako sa kanya, pakiramdam ko merong nawala o inalis sa kanya. Sa malumanay na pananalita, sinabi ko sa kanya, “Maganda ka, kaya’t tama na”. sa di ko inaasahang pagkakataon, tumino siya, at di nga ako nagkamali, lumitaw ang kanyang tinatagong ganda. Turned out, kinulong siya dahil sa sobrang kagandahan niya. Pero kailangan ko ng magmadali, kailangan ko na siyang iwanan. Nagmakawa siya sa akin na ilabas ko siya sa kinalalagyan niya. Wala na akong oras, kailangan ko ng magmadali. Nilapitan ko siya at sinabing, “pangako pag nakita ko na ang hinahanap ko, babalikan kita”. Nakita ko ang kanyang ngiti ng pag-asa at ngiti ng pagsusuporta. Agad na din ako umalis pagkatapos noon. Meron nanaman akong nilusutan na kinakainlangn ko pang lumuhod. Pagraan ko sa lusutang iyon, pamilyar na ang lugar. Lumiko ako sa kasunod na kanto pakanan. At lumakad ng kaunti at lumiko sa kaliwa kung saan matatagpuan ang taong hinahanap ko. Pagbukas ko ng pinto, ako ay nagulat sa aking nakita, isang napaka tangkad at maputing lalaki, medyo malaman siya at nakakatakot. Tila ayaw niya ako papasukin. Ngunit muli, sa hinid ko alam na dahilan, bigla na lang sinabi ng aking bibig ang mga salitang ito, “you are handsome”. At muli sa isang magical na pangyayari naging normal ang kanyang tangkad, nagging sakto lamang ang kanyang kulay at nagging gwapo talaga siya. Bigla niya akong niyakap. Hinidi ko alam kung bakit at habang niyayakap niya ako, meron akong kakaibang  naramdman. At bigla ko rin palang nalala yaong sinabi ni kuya JB. Ang sabi niya dapat daw sakto ang mata ng babae sa balikat ng lalaki. Hinidi naman sakto talaga ang mata ko sa balikat niya, medyo mataas ng kaunti ang balikat niya kaysa sa mata ko, siguro ang balikat nya at ang mga kilay ko ang magkapantay. Bago pala ang mga pangyayaring iyon, hinid ko na naidescribe ang kwartong iyon, ang kwartong iyon pagbuas mo ay sobrang maliwanag dahil wala itong bubong. At sa pagpasok mo, sink at malaking salamin agad ang makikita mo. At sa bandang itaas ng malaking salamin naman ay isang family picture. At ang mga pader ay sobrang mataas. Katabi ng sink ay mga cabinet. Sinabi ko sa kanya ang mga kainlangan ko, kung bakit ako nagpunta sa kwartong iyon at kunga ano-ano pang mga detalye. Tinulungan niya akong hhanapin yung manong sa mga cabinet. Si among ay nasa bote. Alam na niya ang ugali ng hinahanap kong tao. Sa diinaasahang pagkakataon biglang may lumabas na ibang nmga tao sa kwartong iyon, isang lalaking malaki ang pagkakahawig sa kanya ngunit makulit(may pagka seryoso kasi siya—yung gwapo) at isang babae at isa pang lalaki na mukhang tatay niya. Gumawa siya ng plano, at ang plano ay guluhin yung taong pakakawalan naming sa bote para  makaihingi ng hiling na makabalik ako sa Mendiola, Legarda. At ang isa nya pa na plano ay magapapanggap kami na kami at pinakawalan na ‘yung manong. Tapos sinabi niya sa akin, na sanihin na ang aking kahilingan, ngunit ibinulong sa skin ng kanyang kapatid habang gumagawa siya ng  plano na hiling  din ng kanyang kapatid na ibalik din sana siya sa kanyang panahon. Ng malaman ko ang bagay na iyon, hindi ko kaya na humiling lamang para sa aking sarili, kung kaya’t sa gitna ng paghihiling ko ay bigla kong sinabi na ,”ibalik din sila sa panhon kung saan sila nabibilang!” at bigla akong tumakbo palabas ng kwarto, tinawag nila ako pero kailangan kong umalis at balikan at pakawalan ang babae, nakita niya ako, at tuwang-tuwa, pinakawalan ko siya at niyakap ako at nagpasalamat. Tumakbo muli ako pabalik doon sa kwarto kung nasaan si manong, malapit na ang oras para ako ay bumalik..nilapitan ako nung lalaking gwapo at hinawakan ang aking kamay. Oopps.. nakalimutan kong sabihin na sa bawat hiling ay lumalakas si manong masama at mas nagiging masama pa lalo.. kung kayat sinabibg muli nung lalaki ang buong kahilingan, “pabalik mo siya(ako yun) sa tama niyang panahon, and you, disappear! COMBINE!!”. There is only one wish to be granted so the magic word is COMBINE! Tumawa siya si manong. Bigla akong nabalik sa tama kong panahon, nalungkot ako, kasi baka kaya tumawa kasi isang lang ang natupad. Atsaka nalungkot din ako kasi hindi niya nagawang makabalik sa kanyang panahon, para sa akin. Ngunit isang malawak na pagsinag ng isang putting ilaw---at WHALAH!nasa legarda na ako, sa tapat ng Jollibee.
Tumayo ako sa kama ko at lumabas, sa king gulat nakita ang kapatid nila tumatakbo ng hagdan papunta sa tore ng dormitory namin. Ng nakangiti na tila bang may napakagandang mensahe na ibabalita sa sinumang nasa itaas ng toreng iyon.
Hinabol ko yung tumatakbo, pagdating ko sa tore, laking gulat ko nang
NAKITA KO SIYA. Nadoon siya. tila hindi niya ako kilala, nagtitigan lang kami sa matagal na oras.
At sa ikalawang pagkakataon, nilapitan niya ako at biglang niyakap. At biglang sinabi na,
“NASA TAMANG PANAHON NA TAYO!” salamat sayo, ibinalik mo ako.
Turned out siya pala yung taong lumalagi sa tore. Ang yaong babae ay ang aking nagging best friend J

[ wala ng kasunod, NAGISING na ako eh ;) ]

No comments:

Post a Comment