welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Tuesday, January 17, 2012

“Sendong” ang Sisisihin?



Habang nagsasaya ako, marami pala akong mga kapwa tao ang lugmok sa kahirapan, dalamhati, pighati at pinsala. Wala man lang akong kamalay-malay na hinagupit nap ala ni bagyong Sendong ang ilang bahagi ng ating bansang Pilipinas. Kung hinidi ako umuwi at hindi nakanood ng isang plabas tuwing hapon tuwing Linggo, hindi ko malalaman ang sinalanta ng nasabing bagyo. Akala ko malala na ang nagyari noong bagyong Ondoy ng nakaraang dalawang taon, ngunit hindi pa pala.
Labis na nakalulungkot ang sinapit ng lahat—ng ating mga kapwang Pilipino, ng ating kapaligiran at ng ating bansa. Kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa nangyari at mga relief operation na isinasagawa ng bawat tao, komunidad at organisasyon.
Labis akong nanlumo sa mga pangyayari, sa akong mga nakita, at sa aking mga nasaksihan.
Ayoko ko mang manisi dahil wala akong karapatan, pero sino ba talaga ang salarin sa mga ganitong pangyayari? Ang mga taong nabaon at nalimot? O ang mga taong nanatiling buhay at kunyaring nakikiramay?
Sino nga ba talaga ang marapat lamang na sisihin? O sadyang wala lang talagang tapat managot?
Kalian ba talaga tayo matututo? Ilang buhay pa ba ang kailangang ibuwis para mamulat tayo? Ilang sakuna pa ba ang dapat maranasan para magsimula tayong magbabago? Napaka raming tanong ang bumabalot sa aking isipan. Hindi ko nga alam kung ilan sa mga katanungang ito ang masasagot.
Sana namulat na tayo. Sana natuto na tayo. Sana huwag na tayong umulit sa ating mga pagkakamali. Sana magsimula na tayong magbago. Magbago n asana tayo, hinid lang para sa kanila, kundi para na din sa mga sarili natin.


No comments:

Post a Comment