welcome to my blog!

Hello! What's written in here are pure thoughts of mine and are originally made by me. Please do enjoy my articles (my outburst expression of myself). Thank you. God bless everyone!

Wednesday, January 18, 2012

Reyniel



Madalas natin siyang nakikitang gumagala sa Mendiola. Pagala-gala, naghihingi ng bariya at kung minsan ay nanlilimos ng pagkain. Masayahin siyang bata at malinis para isang batang kalye. Hindi ko alam kung tama ba na tawagin siyang batang kalye sapagkat meron siyang tirahan, ngunit msa matagal ang inilalagi niya sa lansangan kaysa sa kanyang tahanan. Nakatira siya sa tapat ng St. Jude na simbahan maliit na espasyo lamang ang kanilang tinitirahan. mukhang walang trabaho ang ama at nasa bahay naman namamalagi ang kanyang ina. apat silang magkakapatid ayon sa kanya. pagngatlo siya sa panganay. Siyam na taong gulang pa lamang siya at hindi nag-aaral. dati raw siyang nag-aaral, ngunit huminto para sa dalawa pang mas nakatatandang mga kaptid. sa Bulacan talaga siya nakatira, ngunit dahil sa demolisyong naganap roon kinailangan na nilang lumipat. At dito nga sila napadpad sa Maynila. Marami siyang kaibigan. Masayahin Kasi siya. Marunong siyang magsalita ng lenggwaheng Muslim. 

Mahalaga sa kanya ang makakain ang kanyang pamilya. Siya ang namomoblema sa kakainin ng mga ito. kapag siya ay nakatanggap ng kapiranggot na bariya, kahit gutom na gutom na siya ay titiisin niya ito para lang huwag mabawasan ang pambili ng pagkain ng kanyang mga kasama sa bahay.

Nakalulungkot lang isipin na sa mura niyang eada ay ptila pasan na niya ang daigdig. At ilang pang bagay ang lubos akong binagabag at iyon ay malamang na ang iniiisip sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya ay isa siyang Magnanakaw, na wala namang katotohanan! nakasama ko na siya minsan sa pagkain, at hindi iyon ag pagkakakilanlan ko sa kanya.

Wala rin siyang pangarap. Namatay na ang uhaw niya sa pag-aaral. 

Siya ay sobrang nakamamangha, at siya ay si Reyniel.

No comments:

Post a Comment